top of page
bg tab.png

Training for Work Scholarship Program Graduation, Idinaos sa Sta. Maria

ree

STA. MARIA, BULACAN — Matagumpay na isinagawa ang Graduation Ceremony para sa Training for Work Scholarship Program (TWSP) noong Oktubre 28, 2025, sa 6th Congressional District Office sa Sta. Maria, Bulacan.


Ang programa ay isinakatuparan bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa skills development ng mga mamamayan sa ilalim ng District 6. Kabilang sa mga dumalo ang mga nagtapos sa iba't ibang kursong teknikal at bokasyonal na layuning makatulong sa kanilang hanapbuhay at pag-unlad.


Lubos ang pasasalamat ng LGU Angat, sa pangunguna ni Mayor Reynante S. Bautista, at ng PESO-Angat kay Cong. Salvador "Ador" Pleyto sa kanyang walang sawang malasakit at pagmamahal sa mga Angateño.


Ayon sa LGU, patuloy nilang susuportahan ang mga programang naglalayong magpataas ng kakayahan ng mamamayan at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga pamilya sa buong distrito.


“Mabuhay po kayo, Cong. Ador, at maraming salamat sa inyong dedikasyon sa pag-aangat ng buhay ng bawat mamamayan!”

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page