TeleworkPH at PESO Angat, Nag-anunsyo ng Job Hiring

Nangangailangan ang kumpanyang TeleworkPH Outsourcing Solutions ng mga bagong kawani para sa mga posisyong Customer Service Representative – Finance at B2B Business Development Executive – UK Market sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Para sa posisyong Customer Service Representative – Finance, kinakailangan ang aplikanteng may hindi bababa sa tatlong (3) taong karanasan sa financial customer service sa industriya ng BPO o Call Center, may mahusay na kakayahan sa pagsasalita at pagsulat sa wikang Ingles, at may malinis na rekord sa nakaraang pinagtrabahuhan. Tungkulin ng matatanggap ang pag-asikaso sa billing support, pagproseso ng bayad, at pagtugon sa mga usaping pampinansyal ng mga kliyente.

Samantala, para naman sa posisyong B2B Business Development Executive – UK Market, kinakailangan ang may hindi bababa sa tatlong (3) taong karanasan sa B2B sales o business development, mahusay sa Ingles, at may kakayahang makipag-ugnayan sa mga may-ari ng negosyo sa United Kingdom. Ang mga matatanggap sa posisyong ito ay nakatakdang magtrabaho onsite sa tanggapan ng kumpanya sa Barangay Tambubong, San Rafael, Bulacan.
Para sa mga nagnanais mag-apply, kinakailangang magpatala sa opisyal na online registration form sa link na [https://forms.gle/eQ7SajMoCAbDeS5o8](https://forms.gle/eQ7SajMoCAbDeS5o8) at ipadala ang na-update na Resume o CV sa email na pesohiringangat@gmail.com gamit ang pormat na Application: TeleworkPH - [Position Name] - [Your Full Name].










Comments