top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Torismo sa Angat, Isa sa Prayoridad ni Mayor Jowar


Isa sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang pagpapatupad ng programang panturismo sa ating bayan. Bilang panimulang pagpapakilala sa bayan ng Angat, sinikap ng inyong lingkod na mailunsad ang kauna-unahang pagdiriwang ng festival sa ating bayan—ang GULAYANGAT Festival.


Ang GULAYANGAT o Gunita ng Lahi at Yamang Angat ay nagtatampok sa agrikultural na katangian ng ating bayan at nagbibigay pagkilala sa ambag ng sektor ng magsasakang Angatenyo bilang pangunahing tagapagtaguyod ng seguridad sa pagkain sa ating lipunan. Binabalikan at binibigyang-halaga din nito ang mga tradisyon at kulturang ng lahing Angatenyo na naging bahagi ng pag-unlad ng kasaysayan at sibilisasyong Pilipino.

Sa loob ng 339 taong pagkakatatag ng Angat, ang kaganapan noong Oktubre 24, 2022 ay nagsimula nang maiguhit sa kasaysayan ng Angat. Inaasahan na sa mga susunod na panahon ay maipagpapatuloy ang makabuluhang pagdiriwang na ito at magsisilbing titis sa pagpapaunlad ng turismo sa ating bayan.

15 views0 comments

Commentaires


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page