Top 1 Most Wanted sa Bayan ng Angat, Naaresto ng Angat PNP
- angat bulacan
- 3 days ago
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa isang operasyon na isinagawa sa Barangay Marungko, Angat, Bulacan noong Nobyembre 2, 2025, bandang alas-12:00 ng tanghali.
Ang pagkakaaresto ay alinsunod sa direktiba ng Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., at sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office.
Ayon kay PCPT Jayson M. Viola, hepe ng Angat PNP, nakilala ang naaresto na si Alyas Droy, 33 taong gulang, isang CCTV installer at residente rin ng Brgy. Marungko. Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Julie P. Mercurio, Presiding Judge ng RTC Branch 12, Malolos City, kaugnay ng kasong Murder (Criminal Case No. 7017-M-2024) na may walang inirerekomendang piyansa.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Angat MPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda ang mga papeles para sa pagbabalik ng warrant sa korte.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng Bulacan Police Provincial Office sa paghahatid ng hustisya at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.








Comments