Top 1 Most Wanted sa Angat, Naaresto sa Operasyon sa CSJDM
- angat bulacan
- Oct 13
- 1 min read

BULACAN — Matagumpay na naaresto ng pinagsamang puwersa ng San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS) at Angat Municipal Police Station (MPS) ang Top 1 Most Wanted Person ng Angat, sa isang operasyon na isinagawa sa Barangay Tungko Mangga, City of San Jose del Monte, Bulacan.
Kinilala ang suspek na si Carvajal, na sangkot sa kasong Parricide at umano'y konektado sa pamamaril ng isang AFP officer noong 2024.
Sa isinagawang operasyon, narekober mula sa suspek ang:
Isang caliber .45 na baril
Shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱68,000
Iba pang mga ebidensiya
Ayon sa opisyal na pahayag ng kapulisan, ang tagumpay ng operasyon ay patunay ng matibay na paninindigan ng PNP sa pagtugis sa mga wanted persons at sa pagsugpo ng ilegal na droga at armas.
Patuloy ang panawagan ng PNP sa publiko na makipagtulungan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa buong rehiyon.









Comments