Angat MPS, Pinalakas ang Seguridad sa Dr. Antonio Villarama Elementary School

Nagsagawa ng School Visitation at pakikipag-ugnayan ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station sa Dr. Antonio Villarama Elementary School sa Barangay Marungko, Angat, Bulacan ngayong Setyembre 29, 2026, bandang 1:15 ng hapon.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, MCAD PCO, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS.
Layunin ng pagbisita na patatagin ang koordinasyon at kolaborasyon sa pagitan ng kapulisan at ng pamunuan ng paaralan upang paigtingin ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, naglalayon ang Angat MPS na mag-ambag sa pagtataguyod ng isang ligtas, payapa, at maayos na kapaligiran na angkop para sa pag-aaral ng mga kabataan sa komunidad.










Comments