PNP Angat, Namahagi ng mga IEC Material ukol sa Crime Prevention sa Barangay San Roque

Namahagi ng mga Information, Education, and Communication (IEC) materials ukol sa pag-iwas sa krimen ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan ngayong Setyembre 29, 2026, bandang 1:33 ng hapon.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Jenna M. Gallion, WCPD PNCO, sa ilalim ng direktang pamamahala ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS.
Nakasentro ang pamamahagi ng mga babasahin sa pagbibigay ng mahahalagang paalala ukol sa personal na kaligtasan, pag-iwas sa mga krimen, at pagpapanatili ng seguridad sa buong pamayanan.
Layunin ng inisyatibo na pataasin ang kamalayan ng publiko at hikayatin ang mga residente na manatiling alerto at agarang mag-ulat sa mga awtoridad ng anumang kahina-hinalang gawain o insidente sa kanilang lugar.










Comments