PNP Angat, Nagsagawa ng Barangay Ugnayan Kasama ang mga Tanod ng Marungko

Nagsagawa ng Barangay Ugnayan ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station kasama ang mga Barangay Tanod ng Barangay Marungko, Angat, Bulacan ngayong Setyembre 29, 2026, bandang 2:09 ng hapon.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, MCAD PCO, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS.
Layunin ng nasabing pagpupulong na palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng kapulisan at mga barangay tanod upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa buong pamayanan.
Tinalakay sa pagtitipon ang mga pangunahing estratehiya hinggil sa pag-iwas sa krimen, pagpapataas ng police visibility, pagmamanman sa mga kritikal na lugar, at ang mabilis na pag-uulat sa pulisya sa anumang kahina-hinalang gawain o insidente sa barangay.










Comments