top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

TODAmax na Suporta!

Patuloy ang pagbibigay natin ng direktang suporta sa ating mga masisipag na TODA drivers! Sa isinagawang Angat TODA Assembly, matagumpay nating naihatid ang libreng Motorized Tricycle Operator’s Permit (MTOP) bilang bahagi ng ating inisyatiba na palakasin at suportahan ang sektor ng transportasyon sa ating bayan.


Ang programang ito bukod sa nagpapagaan ng kanilang mga gastusin ay ang ating tugon upang makatulong sa kanilang hanap-buhay. Ang bawat permit ay isang hakbang patungo sa mas maayos, organisado, at lehitimong operasyon ng ating TODA, na magbibigay ng mas ligtas at episyenteng serbisyo sa publiko.


Maraming salamat sa ating TODA drivers sa inyong dedikasyon! Palaging handang tumugon ang pamahalaang bayan para sa #AsensoAtReporma

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page