THUNDERSTORM ADVISORY NO. 30
- Angat, Bulacan

- Jul 28
- 1 min read

Ayon sa ulat ng PAGASA, ang bayan ng Angat at iba pang bahagi ng lalawigan ng Bulacan ay posibleng makaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na pagbugso ng hangin sa loob ng susunod na dalawang (2) oras.
Dahil dito, pinapayuhan ang lahat ng residente na maging mapagmatyag at mag-ingat, lalo na ang mga nasa mabababang lugar na madaling bahain. Iwasan muna ang hindi kinakailangang paglalakbay, lalo na sa mga lansangang lubhang apektado ng ulan o posibleng magkaroon ng pagbaha.
Mainam na tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa sa tahanan, at ihanda ang mga kinakailangang emergency supplies sakaling kinakailangang lumikas. I-secure din ang mga gamit sa labas ng bahay na maaaring tangayin ng malalakas na hangin.
Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing layunin. Para sa mga susunod na update at mahahalagang impormasyon, manatiling nakaantabay sa mga opisyal na pabatid mula sa Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng mga opisyal na social media accounts at iba pang lehitimong daluyan ng balita.
Maging alerto at ligtas, mga kababayan!









Comments