Bagong Work Schedule sa Angat Munisipyo: 4-Day Onsite Work, Magsisimula na sa Marso 9
- Angat, Bulacan

- Mar 7
- 1 min read

Alinsunod sa direktiba ng Malacañang at sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, ipatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang 4-day onsite work arrangement para sa mga kawani nito simula bukas, Marso 9, 2026.
Ang hakbang na ito ay tugon sa Memorandum Circular na inilabas ng pambansang pamahalaan bilang estratehiya upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at kuryente sa bansa, batay sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa ilalim ng bagong sistema, gagamit ang mga ahensya ng gobyerno ng work-from-home setup at iba pang flexible work arrangements. Layunin nito na makatipid sa operasyon at gastusin ng mga kawani habang tinitiyak na hindi mapababayaan ang kalidad ng serbisyo-publiko.
Nilinaw ng Pamahalaang Bayan na hindi saklaw ng 4-day onsite setup ang mga tanggapang nagbibigay ng mga kritikal at mahahalagang serbisyo. Mananatiling full operation o nasa regular na iskedyul ang mga sumusunod upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga Angateño:
Para sa mga mamamayang may transaksyon sa munisipyo, narito ang dapat tandaan:
Operating Hours: Lunes hanggang Huwebes (Regular hours)
Onsite Services: Ang mga opisina ay mananatiling bukas sa mga nasabing araw upang tugunan ang inyong mga pangangailangan.









Comments