top of page
bg tab.png

TESDA Training Induction Program para sa SMAW NC II, Isinagawa sa Angat Municipal Gymnasium

ree

ANGAT, BULACAN — Pormal na isinagawa ang Training Induction Program (TIP) para sa kursong Shielded Metal-Arc Welding (SMAW) NC II ng TESDA noong Oktubre 8, 2025, sa Municipal Gymnasium ng Angat.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagsisimula ng pagsasanay para sa mga bagong trainees na nagnanais matuto ng welding skills at makakuha ng national certification, na magagamit sa paghahanap ng trabaho sa lokal man o internasyonal na industriya.

Layon ng TIP na bigyan ng malinaw na kaalaman ang mga kalahok hinggil sa training objectives, training duration, house rules, at mga benepisyong makukuha sa ilalim ng TESDA program.

Patuloy ang suporta ng LGU Angat sa mga inisyatibong naglalayong palakasin ang kakayahan ng mamamayan sa pamamagitan ng libreng teknikal na edukasyon at pagsasanay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page