TESDA SMAW NC I Training Patuloy na Isinasagawa sa Sto. Cristo, Angat
- angat bulacan
- Oct 7
- 1 min read

STO. CRISTO, ANGAT, BULACAN — Kasalukuyang isinasagawa ang TESDA Shielded Metal-Arc Welding (SMAW) NC I Training sa Barangay Sto. Cristo, na layuning bigyan ng teknikal na kasanayan ang mga residente para sa mas mataas na oportunidad sa trabaho.
Ang programa ay bahagi ng tuloy-tuloy na inisyatibo ng TESDA katuwang ang LGU Angat upang palakasin ang kakayahan ng mga mamamayan sa larangan ng welding at construction-related work, na in-demand sa loob at labas ng bansa.
Inaasahang makakakuha ng National Certification ang mga makakatapos ng training, na magsisilbing dagdag-kumpetensya sa kanilang pagpasok sa mundo ng trabaho.









Comments