TESDA Inspection para sa SMAW NC1 sa Sto. Cristo Covered Court
- Angat, Bulacan

- Sep 2
- 1 min read

Naganap ngayong Setyembre 2, 2025 ang inspeksyon ng TESDA para sa SMAW NC1 sa Sto. Cristo Covered Court. Nais po naming humingi ng kaunting pasensya sa mga kalahok at sa publiko sa pagkaantala ng schedule. Bagaman nakasalalay sa TESDA ang pagbibigay ng eksaktong oras ng inspeksyon, tinitiyak nila na ginagawa ang lahat ng hakbang upang masimulan at maisakatuparan ang aktibidad sa lalong madaling panahon.
Nais din naming ipabatid ang aming taos-pusong pasasalamat kay Kap. Ernesto B. Sarmiento sa kanyang masigasig na suporta sa kaganapang ito. Bagama’t naabala rin sila sa paggamit ng kanilang covered court, bukas-palad niyang ibinahagi ang kanilang pasilidad para sa kapakanan ng mga kalahok at ng komunidad.
Inaanyayahan po ang lahat na mag-antabay sa mga susunod na anunsyo ukol sa final schedule at iba pang detalye ng TESDA SMAW NC1 inspection at training.









Comments