TESDA Barista NC II Training sa Angat, Pormal nang Nagsimula
- Angat, Bulacan

- Aug 11
- 1 min read

Pormal nang sinimulan ang TESDA Barista NC II Training sa bayan ng Angat sa pamamagitan ng pagdadala ng actual classroom training sa mismong bayan sa pakikipagtulungan ng Colegio de San Martin.
Sa kasalukuyan, aktibo nang nagsasanay ang mga iskolar na Angateño sa mga batayang kasanayan ng paggiling, pagpapakulo, at tamang pagtitimpla ng kape upang maging isang sertipikadong propesyonal na barista.
Naisakatuparan ang mahalagang proyektong ito sa buong suporta at inisyatibo ni Congressman Salvador Pleyto, sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Public Employment Service Office (PESO) ng Angat.
Layunin ng programang ito na maghatid ng de-kalidad at accessible na pagsasanay sa kasanayan upang magbukas ng mga bagong oportunidad sa trabaho at pangkabuhayan para sa mga mamamayan ng Angat.









Comments