top of page
bg tab.png

‘Team Angat,’ Handa nang Sumabak sa ACBL Makata Cup S3 2026


Puspusan na ang paghahanda ng mga atletang Angateño para sa ACBL Makata Cup Season 3 2026. Sa pamamagitan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, nagpaabot ng mainit na pagbati at suporta ang lokal na pamahalaan para sa mga koponang lalahok sa prestihiyosong liga sa lalawigan.



Nakatakdang harapin ng Angat Senior South Basketball ang koponan ng Bocaue ngayong gabi, ika-23 ng Pebrero, sa ganap na 8:00 PM na gaganapin sa Bulacan Capitol Gymnasium. Samantala, sasabak naman sa aksyon ang Angat Junior South Basketball laban sa karatig-bayan na Norzagaray sa darating na Miyerkules, ika-25 ng Pebrero, sa ganap na 6:00 PM sa parehong venue.


Inaasahan ang pagdagsa ng mga taga-Angat upang magbigay ng lakas at hiyaw para sa tagumpay ng ating bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page