Tatlong Grupo ng Zumba, Magsasama-sama para sa Zumba Night sa Angat Food Park
Muling mapupuno ng sigla at galaw ang Angat Food Park 2026 sa gaganaping Zumba Night ngayong Sabado, Oktubre 17, 2026.
Para sa gabing ito, tatlong kilalang grupo sa bayan—ang Zumbanaban, Riverside Zumba Group, at Paltok Zumba Team—ang magsasama-sama upang pangunahan ang paghahatid ng masayang pagsasayaw at eehersisyo para sa mga mamamayang Angatenyo.
Ayon sa BPLO at ng Pamahalaang Bayan ng Angat, ang pagpapatuloy ng Zumba Nights sa Food Park ay naglalayong maghatid ng masayang libangan at isulong ang aktibong pamumuhay sa komunidad, habang nagbibigay ng magandang oportunidad sa mga residente na tumangkilik sa mga lokal na kainan matapos mag-ehersisyo.
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang buong komunidad na dumalo, magdala ng pamilya at kaibigan, at makiisa sa masayang gabi ng sayawan at kainan sa Angat Food Park 2026.










Comments