top of page
bg tab.png

"Tanglaw sa Pag-Angat", Christmas Tree Lighting sa Bayan ng Angat


Tatlumpung araw bago sumapit ang kapaskuhan, tayo’y nananatiling nasa panahon pa rin ng pandemya ngunit hindi ito naging hadlang upang saksihan ng mga mamamayang Angateño ang Christmas Tree Lighting na ginanap sa harap ng Pamahalaang Bayan ng Angat.


"Tanglaw sa Pag-Angat" ang naging tema ng pagtitipon. Ang pagningning ng tala na nasa ibabaw ng Christmas Tree ang simbolo at siyang magsisilbing tanglaw sa unti-unting pag-angat ng ating Bayan. Nagbigay naman ng pampasiglang-bilang at nagbahagi ng kanilang talento ang mga piling kinatawan mula sa Jowable Youth, Angat Kalusugan Coordinators, at San Roque Band 96.


Matagumpay na naisagawa ang Christmas Tree Lighting Ceremony sa pangunguna ng ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin at mga Miyembro ng Sangguniang Bayan. Kasama din sa programa ang mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan gayon din sa mga Angateñong sumuporta at nag-intay na masaksihan ang muling pagliwanag ng ating Munisipyo. Hatid ng liwanag na lumaganap ang kasiyahang dulot ng kapaskuhan para sa ating lahat.


7 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page