Tamis ng Pagmamahal: Maybahay ni Mayor Jowar Bautista, Binati ng Alkalde sa Kanyang Espesyal na Araw
- Angat, Bulacan

- Jul 8
- 1 min read

Isang personal at puno ng emosyong pagbati ang ipinaabot ni Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista para sa kaarawan ng kanyang katuwang sa buhay at maybahay na si Ma'am Lesslie.
Sa pamamagitan ng isang taos-pusong mensahe, ipinahayag ng ama ng bayan ang kanyang malalim na pasasalamat sa walang sawang pagmamahal, suporta, at sakripisyong ibinibigay ng kanyang asawa, na nagsisilbing kanyang lakas at matatag na sandigan sa gitna ng mga hamon ng pamumuno at paglilingkod sa bayan ng Angat.
Binigyang-diin ni Mayor Jowar na hindi matatawaran ang papel ng kanyang kabiyak hindi lamang sa pagpapanatili ng katatagan ng kanilang pamilya, kundi maging sa kanyang araw-araw na tungkulin bilang pinuno ng munisipyo.
"Maraming salamat sa iyong walang sawang pagmamahal, pag-unawa, at sakripisyong ibinibigay hindi lamang sa ating pamilya kundi maging sa aking paglilingkod sa ating bayan," bahagi ng naging pahayag ng alkalde.
Kalakip ng kanyang pagbati ang mga personal na panalangin at hiling para sa kanyang asawa na patuloy itong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kapayapaan ng pag-iisip, at mas marami pang biyaya.
"Mahal na mahal kita, at habang buhay akong magpapasalamat sa regalong ikaw ang aking naging kabiyak," pagtatapos ng alkalde sa kanyang mensahe, na agad namang umani ng mga pagbati at positibong reaksyon mula sa mga netizens at mga mamamayan ng Angat na nakikiisa sa kagalakan ng pamilya Bautista.








Comments