top of page
bg tab.png

Tamang Pagbubukod ng Basura at Malinis na Tubig, Isinulong ng MENRO Angat sa Sulucan

Sep 14
1 min read

Nagsagawa ng Information, Education, and Communication (IEC) Campaign ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO Angat) sa pakikipagtulungan ng MJSB noong Setyembre 11, 2026, sa Sulucan Covered Court, Barangay Sulucan, Angat, Bulacan.


Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman ng mga mamamayan ukol sa Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) at Republic Act 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004).



Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga polyeto at tuwirang pakikipag-usap sa komunidad, binigyang-diin ng MENRO ang kahalagahan ng tamang pagbubukod ng basura (waste segregation) mula sa tahanan at ang aktibong pagprotekta sa mga yamang-tubig ng bayan.


Patuloy ang MENRO at ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa paglulunsad ng mga ganitong edukasyonal na oryentasyon upang itaguyod ang isang mas malinis, mas ligtas, at mas luntiang kapaligiran para sa bawat Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page