Little Miss GulayAngat 2026, Tampok Ngayong Gabi
Updated: Oct 24

Nakatakdang idaos ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang Little Miss GulayAngat 2026 ngayong Linggo, Oktubre 18, 2026, bilang bahagi ng pagpapatuloy ng mga aktibidad sa Angat Food Park 2026.
Magsasama-sama ang mga munting kandidata mula sa iba't ibang barangay upang ipamalas ang kanilang galing sa pagtatanghal, angking talento, at kumpiyansa sa entablado upang makamit ang korona sa nasabing patimpalak.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang aktibidad ay naglalayong magbigay ng masayang entablado para sa mga kabataan upang malinang ang kanilang tiwala sa sarili, habang naghahatid ng pampamilyang libangan para sa mga Angatenyong bumibisita sa Food Park.
Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mga magulang, pamilya, at buong komunidad na dumalo at suportahan ang mga munting kandidata habang tumatangkilik sa mga lokal na kainan at negosyo sa bayan.










Comments