Tagubilin ng Barangay Banaban Laban sa Parating na Bagyong UWAN
- Angat, Bulacan

- Nov 7
- 1 min read
Nagbigay ng pabatid ang Sangguniang Barangay ng Banaban sa lahat ng residente bilang paghahanda sa parating na Bagyong UWAN.
Hinihikayat ang lahat na sundin ang sumusunod na tagubilin upang matiyak ang kaligtasan:
Maging Alerto: Magpaka-alerto at maging mapagmatyag, lalo na ang mga residente na nakatira sa tabi ng ilog.
Mag-evacuate: Maaaring pumunta sa mas mataas na lugar o sa mga itinalagang evacuation center ng barangay:
Pablo Elementary School
Banaban Covered Court
Banaban Multi Purpose Hall
Maghanda ng Go-Bag: Ihanda ang GO-BAG na naglalaman ng flashlight, cellphone, pagkain, at tubig.
Mag-monitor: Patuloy na mag-monitor sa lagay ng panahon mula sa mga opisyal na mapagkukunan ng impormasyon.
Nanawagan ang Barangay Banaban sa lahat na mag-ingat.









Comments