top of page
bg tab.png

Team Angat, Handa na sa Bakbakan vs. Meycauayan sa ACBL Makata Cup S3


Todo-suporta ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa paglahok ng Team Angat sa prestihiyosong ACBL Makata Cup Season 3 2026. Nakatakdang harapin ng ating mga pambato ang koponan ng Meycauayan sa kategoryang Junior South Basketball ngayong Sabado, ika-7 ng Marso, sa ganap na ika-6 ng gabi.


Ang laban na gaganapin sa KB Gymnasium ay inaasahang magpapakita ng matinding aksyon at husay ng mga kabataang Angateño sa larangan ng palakasan.


Sa ilalim ng suporta ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista at ng buong Sangguniang Bayan, binibigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng sports sa paghubog ng disiplina at karakter ng mga kabataan.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page