top of page
bg tab.png

SUPER RHU, Maghahatid ng De-Kalidad na Serbisyong Pangkalusugan sa mga Angatenyo



Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng bagong Super Health Center sa barangay Taboc. Ito ay malaking tulong sa mga Angatenyong relatibong malayo sa kabayanan na magpapatingin sa RHU.


Ang programang Pangkalusugan ay isa sa mga adbokasiya na isunusulong ng ating Punong Bayan, kaya’t ang pagkakaroon ng isang Super Health Center ay napalaking tulong para sa ating mamamayan, maaari din itong maging alternatibong pasilidad para sa mga kababayan natin na may suliraning medikal habang wala pa tayong pampublikong ospital.


Ang programang ito ay aktibong pinangunahan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista. Ito ay dinaluhan ng ating butihing Cong. Salvador Pleyto, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Sangguniang Bayan Members, Dra. Emily Paulino DMO V, Engr. Fernando Guanzon, Ronnel Castro DMO IV, Sangguniang Barangay ng Taboc sa pangunguna ni Kap. Dominador Agustin , BHW, Angat PNP, Municipal Health Officer Dra. Guillerma Bartolome at mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Bayan.


5 views0 comments

Komentarze


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page