SULUCAN NAGKAKAISA, KASAMA SA TULOY-TULOY NA REPORMA
- Angat, Bulacan
- May 23
- 1 min read

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagsagawa ng Project Vaalidation sa Barangay Sulucan.
Kasama sa pag suri at pag ikot si Kapitan Richard Cruz upang makita ang lugar kung saan pagdadausan ang proyekto.
Batay sa pagsusuri nina Carlos R. Rivera Jr., MGDH1 - MDRRMO, at Romeo Tigas mula sa Municipal Planning & Development Office - MPDO-Angat ay gagawan ng slope protection ang naturang lugar upang hindi bahain ang bukirin na nasa tabi ng daluyan ng tubig papunta sa sapa.
Ayon kay Kapitan Richard ay dahil pababa ang lugar ay mabilis na umaagos ang tubig papunta sa drainage gayundin ang dami ng tubig na nangagaling sa taas na kabahayan at highway.
Ang Municipal Government of Angat sa pamumuno ni MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ay sinisigurado ang kaligtasan ng mamamayanan gayundin ang likas na yaman ng pananim sa ating Bayan.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Commenti