Yellow Rainfall Warning, itinaas sa Angat at buong Bulacan dulot ng Habagat
- Angat, Bulacan

- 20 hours ago
- 1 min read

Isinailalim sa Yellow Warning Level ang bayan ng Angat at ang buong lalawigan ng Bulacan matapos magpalabas ng opisyal na ulat ang PAGASA at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO Angat) ngayong Setyembre 7, 2026, ganap na 2:00 ng hapon.
Ayon sa MDRRMO Angat, ang patuloy na pag-uulan sa rehiyon ay sanhi ng umiiral na Southwest Monsoon o Hanging Habagat. Kasama ng Angat sa ilalim ng babalang ito ang mga kalapit-bayan sa Bulacan, pati na rin ang Metro Manila, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Tarlac, Pampanga, at Nueva Ecija.
Dahil sa antas ng babalang ito, nagbabala ang MDRRMO Angat ukol sa posibleng banta ng pagbaha (flooding) sa mga mabababang lugar at mga pook na madalas bahain.
Pinapayuhan ang buong publiko na manatiling alerto, patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon, at mag-abang sa susunod na opisyal na ulat na ilalabas ngayong 5:00 ng hapon.









Comments