top of page
bg tab.png

Strengthening Governance Through Adaptive Leadership and Management


Nakibahagi ang Municipal Government of Angat sa isinagawang pagsasanay na pinangunahan ng Panlalawigang Pamahalaan ng Bulacan sa pamumuno ng Gov. Daniel Fernando nitong Setyembre 19-21 na ginanap sa Baguio City.


May temang Strengthening Governance Through Adaptive Leadership and Management, layon nitong ilatag ang kasalukuyang kalagayan ng ating lalawigan at magkaroon ng nagkakaisang pananaw ang mga lingkod bayan kung paano magbabalangkas ng mga angkop na plano ng pamumuno at pamamahala sa bawat bayan at syudad ng lalawigan.


Nagsilbing kinatawan ng ating bayan ang kasalukuyang Punong Bayan, Pangalawang Punong Bayan, ilang Konsehal ng Sangguniang Bayan at empleyado na may kinalaman ang gawain sa pagbabalangkas ng mga komprehensibong planong pangkaunlaran para sa bayan.


Inaasahan na ang mga natutunan mula dito ay mailapat sa ating lokal na pamahalaan at magsilbing isa sa mga gabay tungo sa pagkakamit ng Asenso at Reporma sa ating bayan.


1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page