Narito tayo ngayon, mga minamahal kong Angatenyo, hindi lamang upang magbalik-tanaw sa mga nagawa natin, kundi upang muling palakasin ang ating pangarap para sa bayan ng Angat. Sa gitna ng mga hamon, tayo'y nanatiling matatag, nagkakaisa, at puno ng pag-asa. Sa bawat proyektong naisakatuparan, bawat pagkakataong inilaan natin para sa mas maunlad na bukas, tayo’y nagtagumpay dahil sa ating sama-samang pagsisikap.
Tiwala ako, na sa patuloy nating pagkakaisa at determinasyon, magtatagumpay tayo sa mga susunod pang laban. Para sa bayan ng Angat, ituloy natin ang pagbabagong tunay at makabuluhan!
Comments