top of page
bg tab.png

Sta. Monica Parish Chamber Singers, Wagi sa Sing Tarlac Sing 2026


Isang mataas na pagkilala at taos-pusong pagsaludo ang ipinaabot ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista sa Sta. Monica Parish Chamber Singers matapos magwagi ng Silver A Diploma Award sa katatapos lamang na Sing Tarlac Sing 2026.


Ang nasabing pambansang patimpalak ay itinuturing na isa sa mga prestihiyosong tagisan sa pag-awit kung saan nagpatutsada ang ilan sa mga pinakamahusay na koro mula sa iba’t ibang panig ng bansa.


Sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Choir Master Aica H. Lalic, nagpakitang-gilas ang grupo sa entablado na umani ng papuri at nagpatunay sa natatanging husay, talento, at dedikasyon ng mga Angateño pagdating sa larangan ng musika.


Lubos naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Jowar Bautista sa karangalang idinala ng koro, kasabay ng hamon at pag-asa na patuloy nilang papayamanin at iparirinig ang galing ng Angat sa mas malalawak at mas matataas pang entablado sa hinaharap.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page