Sta. Cruz, Patuloy na Itinataguyod sa Lingguhang Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- Feb 21
- 1 min read

Bilang bahagi ng masiglang kampanya para sa kalinisan at kalusugan ng bawat mamamayan, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz ang kanilang regular na Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, ika-21 ng Pebrero, 2026.
Ang nasabing aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga opisyales ng barangay, mga barangay workers, tanod, at mga residenteng volunteer. Layunin ng programang ito na masigurong nananatiling maayos, malinis, at ligtas sa anumang banta ng sakit ang buong komunidad.









Comments