Idineklara na Special Non-Working Holiday ang ika-15 ng Setyembre, 2022 sa buong Lalawigan ng Bulacan batay sa Proclamation No. 40 upang gunitain ang ika-124 na Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos.
Noong Setyembre 15, 1898 pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos at ito’y dinaluhan ng mahigit walumpu't limang kinatawan na nagmula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.
Ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ng ating Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista ay nakikiisa sa pagdiriwang at pag-alaala ng mahalagang okasyon na ito.
Comments