Solo Parent General Assembly, Isinagawa at Namahagi ng Subsidy sa 305 Benepisyaryo
- Angat, Bulacan

- 23 hours ago
- 1 min read

Matagumpay na isinagawa ang Solo Parent General Assembly 2025 sa Angat Municipal Gymnasium, kasabay ng pamamahagi ng subsidy at educational assistance para sa 305 solo parents mula sa bayan.
Ang programang ito ay bahagi ng pagpapatupad ng Expanded Solo Parents Welfare Act (Republic Act No. 11861), na naglalayong palawakin ang benepisyo at proteksyon para sa mga solo parent sa buong bansa.
Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sa pamumuno ni Ma'am Menchie Bollas, ang aktibidad. Katuwang din sa matagumpay na distribusyon ang:
Mga pangulo ng Solo Parents Federation, sa pamumuno ni Ms. Jonalyn Batugon.
Municipal Treasurer’s Office, na nag-asikaso ng maayos at mabilis na proseso.
Pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang pangako nitong suportahan at palakasin ang mga solo parent para sa mas matatag at maunlad na kinabukasan ng bawat pamilyang Angateño.









Comments