Solar Street Lights sa Purok 5, Sinimulan na!
- Angat, Bulacan

- Feb 21
- 1 min read

Isang mas maliwanag at ligtas na komunidad ang unti-unti nang nasisilayan ng mga residente ng Purok 5 matapos simulan ang instalasyon ng mga solar street lights sa ilalim ng “Project Light Up” kamakailan.
Ang proyektong ito ay pinangunahan ni Punong Barangay Renato “Abong” San Pedro, kasama sina Hepe Arnold De Jesus, Kagawad Joey Germar (Chairman ng Committee on Public Works), at ang buong Sangguniang Barangay. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng layunin ng pamunuan na gawing mas ligtas ang mga kalsada, lalo na sa gabi, gamit ang makabagong teknolohiya na eco-friendly.









Comments