Sa ating Municipal Gymnasium, isinagawa ang pagbibigay ng Social Pension sa mga Senior Citizens mula sa pondo ng DSWD, kung saan mayroong 1038 indibidwal ang natulungan. Kasama sa programa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, mga konsehal na sina Kon. Darwin Calderon, Kon. Wowie Santiago, Kon. Andrew Tigas, at Kon. William Vergel De Dios, kasama ang MSWDO Menchie Bollas at mga Daycare Teachers.
Isa sa mga pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Bayan ang sektor ng katandaan, kaya't patuloy na binibigyan ito ng malasakit at pansin. Sa layuning mapabuti ang kalidad ng buhay ng ating mga senior citizens at iba pang mga residenteng Angatenyo, patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang isulong at ipatupad ang mga programa at proyekto na naglalayong magdala ng mas maraming benepisyo at oportunidad sa kanilang buhay.
Commentaires