top of page
bg tab.png

Social Pension para sa 1,038 Senior Citizens sa Angat

Updated: Mar 28, 2023


ree

Muling tumanggap ng Social Pension ang mga kababayan nating senior citizens mula sa pondong nasyunal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Tinatayang mahigit isanlibo at tatlumput walong (1038) indibidwal ang natulungan ng nasabing payout. Ang pamamahagi nito ay isinagawa sa ating Municipal Evacuation Center.


ree


Ang programa ay dinaluhan ng ating butihing Punong Bayan Reynante S. Bautista, Kon. Blem Cruz, Kon. Wowie Santiago, at Kon. Darwin Calderon.





ree

Hangarin ng ating Punong Bayan na patuloy na isulong ang mga proyekto at programa na nakapokus sa magagandang benepisyo at sadyang inilalaan para sa mga Angateñong senior citizens. Sinisiguro rin ng ating pamahalaan na naibibigay ang bawat karapatan at kapakinabangan upang kahit sa ganitong paraan ay makatulong sa pagsasaayos ng kanilang pamumuhay.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page