top of page
bg tab.png

SM Hypermarket Baliwag, Nangangailangan ng 200 Bagong Kawani

Oct 2
1 min read

Updated: 18 minutes ago


Inanunsyo ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat na nangangailangan ng 200 mga bagong kawani ang SM Hypermarket Baliwag para sa iba't ibang posisyon sa kanilang sangay sa Baliwag, Bulacan.


Tampok sa mga bakanteng posisyon ang limampu (50) para sa Store Clerk, limampu (50) para sa Bagger, limampu (50) para sa Customer Assistant, at limampu (50) para sa Cashier.



Ayon sa PESO Angat, bukas ang mga posisyon para sa mga nagtapos ng sekondarya (High School Graduate ng lumang kurikulum o Senior High School Graduate), samantalang kailangan namang hindi bababa sa nakatapos ng kolehiyo para sa posisyong Customer Assistant.


Walang kinakailangang karanasan sa trabaho para sa mga posisyong ito, ngunit kinakailangang handa ang mga aplikante na sumailalim sa pagsasanay at magtrabaho sa ilalim ng shifting schedule, kabilang ang Sabado, Linggo, at mga pista opisyal.


Para sa mga nagnanais mag-aplay, maaaring magtungo bilang walk-in applicant sa SM Hypermarket Baliwag Employees Entrance mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 AM hanggang 3:00 PM, dala ang pinakabagong Resume/CV, valid ID, at panulat. May opsyon din na mag-aplay sa pamamagitan ng pagpuno sa online registration form at pagpapadala ng Resume/CV sa opisyal na e-mail address ng PESO Angat sa pesohiringangat@gmail.com.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page