SM Hypermarket Baliwag, Naghahanap ng mga Bagong Kawani
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read

Isang magandang oportunidad sa trabaho ang bumubukas para sa mga Angateño ngayong huling bahagi ng Marso, matapos ianunsyo ng Public Employment Service Office (PESO) Angat ang job hiring para sa SM Hypermarket Baliwag.
Kasalukuyang nangangailangan ang nasabing establisyimento ng kabuuang 60 bagong kawani para sa mga sumusunod na posisyon:
Bagger (20 slots): Bukas para sa mga at least High School Graduate.
Cashier (20 slots): Para sa mga at least Senior High School Graduate.
Clerks (20 slots): Para sa mga at least Senior High School Graduate.

Ayon sa anunsyo, ang mga aplikante ay dapat na handang sumailalim sa pagsasanay at bukas sa shifting schedule. Binigyang-diin din ng PESO Angat na maaari silang magbigay ng opisyal na endorsement para sa mga nagnanais mag-apply. Ang mga interesado ay maaaring bumisita sa kanilang tanggapan sa Ground Floor ng New Municipal Building sa Brgy. San Roque.
Para sa mas mabilis na proseso, pinapayuhan ang mga aplikante na mag-email ng kanilang CV/Resume at huwag kalimutang mag-register sa opisyal na online registration link ng PESO. Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng Lokal na Pamahalaan ng Angat na ilapit ang mga matatag na oportunidad sa trabaho sa mga mamamayan nito.









Comments