top of page
bg tab.png

Skills Training sa Bread Making ng Angat, Matagumpay na Idinaos!


Mainit at matagumpay na naisakatuparan ang Skills Training in Bread Making ngayong Huwebes, Hunyo 25, 2026, simula ganap na 8:30 ng umaga, na idinaos sa 3rd Floor Conference Hall, Annex Building ng Old Municipal Hall sa Poblacion, Angat, Bulacan.


Umapaw ang determinasyon at sigla mula sa mga residenteng Angatenyo na nakiisa sa naturang pagsasanay upang matuto ng mga bagong diskarte sa paggawa ng tinapay na maaari nilang maging sandata sa pagtatayo ng sariling negosyo at pangkabuhayan.


Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng pamunuan sa mahusay na TESDA Trainer na si Ma'am Mary Grace R. Dela Merced, na naging susi sa pagbabahagi ng kanyang mahalagang kaalaman, talento, at mga sikreto sa pagbe-bake para sa mga kababayan.


Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na adbokasya ng Lokal na Pamahalaan ng Angat, sa pamumuno ni Mayor Reynante S. Bautista, na iangat ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan. Hangad ng administrasyong Bautista na maging katuwang ang pamahalaan sa pag-unlad ng mga masisipag na Angatenyong patuloy na kumakayod para sa mas magandang kinabukasan ng kanilang pamilya.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page