Relatibong kalmado na po ang panahon. Gayunman, marami pa rin po sa ating mga kababayan ang nananatili sa mga evacuation centers dahil may ilang tahanan ang lubos na naapektuhan ng bagyo. Higit sa ano pa man, pinakamahalaga ang buhay kung kaya't kahit mabigat sa kanilang kalooban na iwanan ang mga bahay, nahikayat natin silang lumikas.
Hanggang alas-dose ng hatinggabi ng Setyembre 25 ay umaabot na sa 254 pamilya ang pansamantalang tumuloy sa iba't ibang evacuation center. Bukod pa rito ang pansamantalang nakituloy sa kanilang mga kamag-anak.
Kahit mahirap ang sitwasyon, nakakagaan ng pasanin na makitang nagkakaisa, nagdadamayan at nagtutulungan ang iba'ibang sektor.
Maraming salamat Fr. Nap Baltazar sa iyong pakikipagpuyatan sa amin upang matiyak na maabutan ng pamatid-gutom ang mga inilikas nating kababayan.
Maraming salamat din kay Kon. William Vergel de Dios na personal na nagbahagi ng mga banig at kumot para magamit ng mga evacuees.
Salamat din kina Kon. Wowie Santiago, Kon. Darwin Calderon at Kon. Blem cruz na tumulong sa pagiikot sa mga barangay at nagabot ng kaunting pagkain.
Nananawagan po kami sa ibang may sobrang stock ng pagkain na pwedeng maibahagi sa mga nangangailangan na nasa evacuation center. Malaking bagay po ang anumang kakayanin ninyong maibahagi upang mapagaan ang pasanin ng ating mga kababayan. Isabuhay po natin ang bayanihan.
Sa kasalukuyan, wala naman naitalang nagbuwis ng buhay. Bagamat maraming kabuhayan ang napinsala, kabilang na ang mga sakahan at taniman. Pero nananalig ako na kakayanin nating lampasan ang pagsubok na ito.
Comments