top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

SINIMULAN ANG PAGTATAYO NG BAGONG BAHAY PAMAHALAAN NA INAASAHANG MATATAPOS NGAYONG TAON


Bilang tugon sa lumalaking pangangailangan para sa mas episyente at maayos na serbisyo publiko, sinimulan na ang pagtatayo ng bagong Bahay Pamahalaan ng Angat. Ang proyektong ito ay bahagi ng ating mas malaking layunin na mapabuti ang mga pasilidad ng gobyerno upang matugunan ang pangangailangan ng bawat Angatenyo.


Ang bagong gusali ay idinisenyo upang magkaroon ng mas maluwag at modernong espasyo para sa iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan. Sa ganitong paraan, mas mapapadali at mapapahusay ang pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.


Sa kasalukuyan, puspusan ang pagsasagawa ng konstruksiyon at inaasahang matatapos ito ngayong taon. Isang malaking hakbang ito patungo sa mas mabilis, episyente, at de-kalidad na serbisyo para sa lahat. Sama-sama nating abangan ang pagbubukas ng bagong Bahay Pamahalaan—isang simbolo ng patuloy nating pagsisikap tungo sa isang mas maunlad at progresibong Angat!


Maraming salamat sa mga kapwa lingkod bayan na nakatuwang sa pagpopondo ng pagpapagawa nito, lalong higit kay Cong. Salvador Pleyto.

Commentaires


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page