Silid-Aralan at Graduation, Tututukan: Local School Board Meeting, naging Matagumpay
- Angat, Bulacan

- 16 hours ago
- 1 min read

Isang mahalagang pagpupulong ang idinaos ng Local School Board (LSB) sa Municipal Conference Hall upang balangkasin ang mga plano at proyekto na magpapaunlad sa kalidad ng edukasyon sa bayan.
Sa pangunguna ni Tagamasid Pampurok Dr. Guillermo Flores, tinalakay sa nasabing session ang estratehikong paggamit ng badyet para sa taong 2025 at 2026. Kabilang sa mga prayoridad na tinalakay ay ang pagkukumpuni ng mga silid-aralan upang matiyak ang kaligtasan at komportableng pag-aaral ng mga estudyante. Nabigyang-diin din ang mga paghahanda para sa nalalapit na Graduation Ceremony ng mga mag-aaral sa Grade 6.
Dumalo at nagpakita ng suporta si Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, kasama si Konsehal Wowie Santiago at iba pang mga miyembro ng LSB. Ayon kay Mayor Bautista, ang pakikipagtulungan sa sektor ng edukasyon ay mahalaga upang masiguro na ang bawat kabataang Angateño ay nakatatanggap ng dekalidad na serbisyo at sapat na pasilidad na makakatulong sa kanilang kinabukasan.








Comments