top of page
bg tab.png

SHAPE-A Symposium sa Binagbag National High School, Matagumpay na Idinaos

5 days ago
1 min read


Isinagawa ang SHAPE-A (Sexually Healthy and Personally Empowered Adolescent) Symposium nitong Oktubre 23, 2026, sa ganap na ika-7:30 ng umaga sa Binagbag National High School sa Barangay Binagbag, Angat, Bulacan.


Ang nasabing oryentasyon ay naisakatuparan sa ilalim ng Adolescent Health Development Program ng Municipal Population Development Office, sa pakikipagtuwang sa Municipal Health Office  at ng Philippine National Police.



Dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Grade 10 ang talakayan na naglayong magbigay ng sapat na kaalaman at gabay para sa kabataan. Kabilang sa mga pangunahing paksang itinuro ang Anti-Bullying and Safe Spaces Act, pangangalaga sa Mental Health, at mga paraan sa pag-iwas sa Teenage Pregnancy.


Ayon sa pamunuan ng Angat RHU at ng lokal na pamahalaan, mahalaga ang patuloy na pagdaraos ng mga ganitong simposyum sa mga pampublikong paaralan upang mapangalagaan ang kapakanan, kalusugan, at kaligtasan ng mga kabataang Angatenyo habang sila ay lumalaki at nahuhubog sa lipunan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page