SHAPE-A Symposium para sa Grade 10 Students, Isinagawa sa Angat National High School

Isinagawa ang SHAPE-A (Sexually Healthy and Personally Empowered Adolescent) Symposium nitong Oktubre 23, 2026, sa ganap na ika-1:30 ng hapon sa Angat National High School sa Barangay Taboc, Angat, Bulacan.
Ang programa ay naisakatuparan bilang bahagi ng Adolescent Health Development Program ng Municipal Population Development Office, sa pakikipagtuwang sa Municipal Health Office at ng Philippine National Police.
Dinaluhan ng mga mag-aaral sa Grade 10 ang talakayan na naglayong magbigay ng gabay at sapat na kaalaman sa kabataan. Kabilang sa mga pangunahing paksang tinalakay ang Anti-Bullying and Safe Spaces Act, pangangalaga sa Mental Health, at mga hakbang sa pag-iwas sa Teenage Pregnancy.
Ayon sa pamunuan ng Angat MHO at ng lokal na pamahalaan, ang patuloy na pagdaraos ng mga ganitong simposyum sa mga pampublikong paaralan ay mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan, seguridad, at pangkalahatang kapakanan ng mga kabataang Angatenyo.











Comments