SHAPE-A Symposium, Matagumpay na Idinaos sa President Diosdado P. Macapagal NHS

Isinagawa ang SHAPE-A (Sexually Healthy and Personally Empowered Adolescent) Symposium nitong Oktubre 16, 2026, sa ganap na ika-9:30 ng umaga sa President Diosdado P. Macapagal National High School sa Barangay Sta. Cruz, Angat, Bulacan.
Ang nasabing oryentasyon ay naisakatuparan sa ilalim ng Adolescent Health Development Program ng Municipal Population Development Office, sa pakikipagtuwang sa Municipal Health Office (Angat RHU) at ng Philippine National Police (Angat PNP).
Dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Grade 10 ang talakayan na naglayong magbigay ng sapat na kaalaman at gabay sa kabataan. Kabilang sa mga pangunahing paksang itinuro ang Anti-Bullying and Safe Spaces Act, pangangalaga sa Mental Health, at ang pag-iwas sa Teenage Pregnancy.
Ayon sa pamunuan ng Angat RHU at ng lokal na pamahalaan, mahalaga ang patuloy na pagdaraos ng mga ganitong simposyum sa mga paaralan upang mapangalagaan ang kapakanan, kalusugan, at kaligtasan ng mga kabataang Angatenyo habang sila ay lumalaki at nahuhubog sa lipunan.











Comments