top of page
bg tab.png

SHAPE-A Program, Inilunsad sa Binagbag National High School

ree

Isinagawa ngayong Setyembre 3, 2025 sa Binagbag National High School ang Sexually Healthy and Personally Empowered Adolescents (SHAPE-A) Program sa pakikipagtulungan ng Municipal Population Commission Office.


Layunin ng programa na bigyan ng tamang kaalaman ang mga kabataan hinggil sa reproductive health, responsible behavior, at personal empowerment. Sa pamamagitan nito, inaasahang magiging mas handa ang mga mag-aaral sa pagharap sa mga hamon ng kanilang paglaki at pagdedesisyon para sa sarili.


Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan at PopCom Office ang ganitong mga inisyatiba upang gabayan ang mga kabataan tungo sa mas malusog, responsable, at empowered na pamumuhay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page