Local Health Board ng Angat, Nagpulong para sa mga Programang Pangkalusugan

Isinagawa ang opisyal na Local Health Board Meeting nitong Oktubre 26, 2026, sa Municipal Auditorium na matatagpuan sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan.
Pinangunahan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ng Municipal Health Office ang nasabing pagtitipon upang talakayin ang mga kasalukuyang prayoridad at programang pangkalusugan sa buong munisipalidad.
Kabilang sa mga pangunahing usapin sa pagpupulong ang pagsusuri sa mga serbisyong pampublikong kalusugan, pagpapatibay ng mga plataporma para sa mga ina at kabataan, at ang paghahanda ng mga kinakailangang pasilidad at pondo para sa mga darating na proyektong medikal sa bayan.
Ayon sa MHO mahalaga ang regular na pagpupulong ng Local Health Board upang matiyak ang maayos, mabilis, at epektibong pagpapatupad ng mga Serbisyong Pangkalusugan para sa lahat ng mamamayan ng Angat.










Comments