Nakakataba po ng puso ang makitang buhay at patuloy pa rin ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa ating komunidad. Habang patuloy tayong bumabangon mula sa epekto ng nagdaang bagyo, ako po’y taos-pusong nagpapasalamat sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagpaabot ng tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng Charitimba sa mga apektadong residente.
Naglalaman po ang Charitimba ng mga food packs na nagbibigay-ginhawa sa mga labis na naapektuhan ng bagyo. Ito ay patunay ng matibay na pangako ng PCSO na maglingkod sa bawat Pilipino, lalo na sa oras ng pangangailangan. Hinihikayat ko po ang lahat ng makatatanggap ng tulong na ito na gamitin ito upang muling bumangon at huwag mawalan ng pag-asa.
Sama-sama, kayang-kaya!
Comments