Serbisyong Pangkalusugan: Libreng TB Screening para sa 4Ps, Food Workers, at Health Volunteers sa Angat

Magsasagawa ng libreng TB Mass Screening at Chest X-ray ang Municipal Health Office (MHO Angat) sa darating na Setyembre 24, 2026, gaganapin sa Angat Municipal Evacuation Center.
Nilinaw ng MHO Angat na ang libreng serbisyong pangkalusugan ay bukas lamang para sa mga residenteng may edad 16 na taong gulang pataas. Nakalaan ang aktibidad para sa mga miyembro ng 4Ps, mga empleyado ng food establishments, pati na rin sa mga Barangay Health Workers (BHWs), Local Level Nutrition Action Officers / Nutrition Scholars (LLNs), mga barangay tanod, at iba pang mga health volunteers.
Layunin ng MHO Angat na mapalakas ang maagang pagtukoy at pagsugpo sa sakit na tuberculosis sa komunidad upang agad na mabigyan ng kaukulang gamot at libreng lunas ang mga mahahawaan o magpopositibo dito. Hinihikayat ang mga kwalipikadong indibidwal na samantalahin ang pagkakataong ito at magtungo sa evacuation center sa nasabing petsa.










Comments