Serbisyong Abot-Kamay: MJSB, Matagumpay na Inilapit sa Brgy. Encanto
- Angat, Bulacan

- Feb 27
- 1 min read

Muling napatunayan ang lakas ng pagkakaisa matapos ihatid ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang iba’t ibang serbisyo publiko sa mga residente ng Barangay Encanto sa pamamagitan ng programang Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB).
Sa huling tala, umabot sa 527 benepisyaryo ang matagumpay na nakatanggap ng mga serbisyong pangkalusugan, pampamayanan, at pangkabuhayan na inilapit mismo sa kanilang pintuan.
Bahagi ng naturang aktibidad ang pagbisita sa Marcelo L. Adriano Memorial School, kung saan humigit-kumulang 140 mag-aaral ang sumailalim sa Personal Hygiene Seminar: Upang ituro ang wastong pangangalaga sa katawan at Dental Health Services: Bilang bahagi ng kampanya para sa malusog na ngiti at pag-iwas sa sakit.

Naging susi sa tagumpay ng MJSB ang kolaborasyon ng iba’t ibang ahensya at grupo. Katuwang ng lokal na pamahalaan ang mga sumusunod:
Damayan sa Barangay (DSB) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Angat Eye Clinic at Angat Kalusugan.
Sangguniang Barangay ng Encanto.
Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, ang ganitong uri ng koordinasyon ang nagpapatunay na mas epektibo at malawak ang naaabot ng serbisyo kapag may pagkakaisa ang bawat sektor.
Sa gitna ng serye ng mga serbisyo, personal na binisita ni Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista ang 19 na residente na may karamdaman at hindi na kayang makapunta sa venue. Sa pamamagitan ng dalaw-bahay na inisyatiba, tiniyak ng alkalde na makakarating ang tulong medikal at suporta ng gobyerno kahit sa mga pinakamalayong sulok ng barangay.









Comments