top of page
bg tab.png

Seminar sa Stress Management, Idinaos sa Brgy. Sulucan


Upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga lingkod-bayan, matagumpay na idinaos ang unang araw ng seminar na pinamagatang “Building Resilience: A Stress Management Orientation for Barangay Officials and Volunteers” noong Disyembre 12, 2025.


Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga Barangay Officials, Tanod, BHWs, Mother Leaders, Lupon, at mga Volunteers. Sa pakikipagtulungan ng MDRRMO Angat sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Malou Cajucom Almenar, tinalakay sa seminar ang mga mahahalagang estratehiya sa pag-handle ng workplace stress at pag-iwas sa burnout. Layunin nito na bigyang-halaga ang mental at emotional health ng mga frontliners upang masiguro na sila ay mananatiling epektibo at tapat sa paghahatid ng serbisyo sa bawat mamamayan ng Sulucan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page